Punyetang “MMDA”
Simula’t sapul badtrip talaga ang MMDA sa Edsa, and dumi duming tingnan nung mga pinalalagay nila sa kalsada. Pati mga stop over nagpapasikip sa kalsada, tapos ngaun meron pa silang pinapauso na aagawin ang manubela ng bus sa tsuper na lalagpas sa takdang oras na paghinto sa pagsasakay at pagbabaa ng mga pasahero. Minsan pauwi na ako at nasa Edsa cubao na ako, sobrang tagal namin nakahinto halos sampung minuto na, kaya nilakad ko nalang, mga limang bus ang layo papunta sa exit. Sa may bandang unahan ay nagtatalo ang mamang tsuper at ang MMDA, halos magsuntukan na di lang nagpangabot manonood sana ako hehe. Sobrang abala ang naidudulot ng mga bwisit na yun.
Kahapon paguwi ko galing sa trabaho, Ortigas Ilalim ang nasakyan kong bus, Pumila ang bus at nagsakay pagdating sa unahan habang may mga MMDA na pakalat kalat at ito ang aking nasaksihan.

Ayan, ganyan ba ang trabaho nang mga sumasahod sa pamamagitan ng Tax? Di ako nakuntento at inilapit ko pa ang view buti na lang at lumabas ang nakasulat sa bus.

Ayun nakuha pang magtawanan ng mga ulol. Pukaw na mo!!!
ayoko ng kulay pink at blue…. pati yellowgreen lols.
3 years ago

