Advance Happy B-day uncle
sulat para kay marlon hehe
Mahigit kalahating taon na rin nang mangibang bansa ka uncle,
Marami na ang nawala, nabawas, nagbago at nawala na eh nagpaparamdam pa rin at shempre meron din bago. Una nawala, wala na ako sa apartment at halos 4 na buwan kaming naiwan dun nila pareng jay at iba pa. Nabawas, nabawasan ang gastos ko kasi wala na akong binabayarang renta, kuryente, tubig, pagkain at bayad sa labandera nung mistisang intsik, pati tropa sa ” 27th flr tycoon centre condominium pasig city ay nabawasan din. Nagbago kasi wala na ako kasabay pumasok sa opisina at kalaro ng psp, taga-gawa ng pc at ikabit ang psp sa psp slot ika nga ni pareng jay, anu un? Wala na ring taga gupit ng buhok, sighs!!! Nakakamis yung mga ganung kulitan. Pati pagpunta sa baby’s section di na nangyayari sa ngaun? Next year siguro makadaan ulit dun hehe.
At shempre di mawawala ang bago, nung pasko nga dami kong bagong damit. pero eto ang pinakabago
Nung nandito ka pa wala man lang ako mapaglibangan na ganyan hehe, parang mas naging maige pa nung nag abroad ka ohh joke lang. Minimal nga ang nytlife natin sa bagay ayus din yun walang gastos, ngaun wala na nga maxado binabayaran pero nadadagdagan naman ang gastos. Kahit ano mangyari mabilis talga maubos ang kayamanan. hayyst Happy B-day. Ung Camel 2 ko wag mo kakalimutan. Yngat ka jan tsaka wag ka na ulit mag aahit jeje.
Ready Sing…
Happy happy happy B-day, sayo unang tagay, sakin ang pulutan, happy happy happy b-day sana’y marami pang mag ambag.
9 months ago

